Article Inside Page

Showbiz News

Bagama't wala pang sagot si Katrina Halili sa tanong ni Kris Lawrence, may basbas na ng kanilang anak na si Katie ang panliligaw ng singer sa Kapuso actress.Nag-iwan ng emotional letter ang singer na si Kris Lawrence para kay Katrina Halili bago bumalik ng Amerika.

Sa recent YouTube vlog ni Katrina Halili, mapapanood na inihatid pa si Kris ni Katrina at kanilang anak na si Katie sa airport bago basahin ang sulat.

Dito ipinahayag ng mang-aawit ang kanyang kagustuhang manligaw sa Kapuso star, na nakarelasyon niya nang limang taon mula 2009 hanggang 2014. Isinilang ni Katrina ang kanilang anak noong 2012.