Article Inside Page

Showbiz News

Tinanggap ni Katrina Halili ang trophy para kay Kris Lawrence na nagwagi ng Male R&B Artist of the Year sa PMPC Star Awards for Music 2026.Si Katrina Halili ang umakyat sa stage at tumanggap ng tropeo para kay Kris Lawrence sa naganap na PMPC Star Awards for Music 2026 sa Teatrino Promenade sa Greenhills noong Huwebes, June 25.

Nanalo si Kris ng Male R&B Artist of the Year para sa awiting "Within" pero hindi ito makakadalo sa awarding ceremony, kaya naman pinakiusapan nito si Katrina na tanggapin ang nasabing parangal sa ngalan niya.

"Dahil wala po si Kris Lawrence, ako po ang nautusan. Bilang wala naman po tayong taping," sabi ng Kamao actress.