Article Inside Page

Showbiz News

Nagkaroon ng panaginip si Bianca Umali at dito niya naramdaman ang calling para sa animated film na 'Ella Arcangel.'Naramdaman ni Bianca Umali na tinawag siya para maging boses ni Ella Arcangel, ang title character ng GMA Pictures animated film na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.

Sa naganap na Toy Conference 2026 kung saan ipinakita ang prototype ni Ella, ibinahagi ni Bianca ang panaginip na nagbigay sa kanya ng sign para sa nasabing proyekto.

"I dreamt of a cartoon dream. Sabi ko, 'Anong nangyari?' That's such an odd dream to have," kuwento ni Bianca. "And then, I checked my email, and then lumabas 'yung email sa akin ng team Ella.