Article Inside Page
Showbiz News
Puspusan ang naging paghahanda ni Bianca Umali para sa kanyang role na Ella Arcangel.Relate na relate si Kapuso star Bianca Umali sa pinakabago niyang role. Siya kasi ang magbibigay boses sa animated character na si Ella Arcangel mula sa animated film na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko. Hango ang pelikula sa 2017 comic book series na “Ella Arcangel.”
Sa naganap na ToyCon 2026 sa isang mall sa Pasay City nitong nagdaang weekend, ipinakita nila ang prototype ni Ella sa publiko. Kasama ng aktres si GMA Public Affairs Senior Assistant Vice President Angeli Atienza, ang direktor nitong si Melvin Malonzo, at comic book author at illustrator nito na si Julius Villanueva.
Pagbabahagi ni Bianca, marami silang pagkakapareho ni Ella. "Si Ella ay isang pangkaraniwang bata lamang. And what makes her stand out amongst others is that si Ella ay isang superhero on a daily basis."






