Article Inside Page
Showbiz News
"Ella Arcangel is a representation of all of us. We can all be heroes every single day, saan man tayo nakatira, kahit sino ka pa." - Bianca UmaliIpinakilala ni Sparkle actress Bianca Umali si Ella Arcangel, ang title character ng GMA Pictures animated film na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko, sa naganap na Toy Conference 2026.
Si Bianca ang magbibigay boses kay Ella Arcangel. Sa nasabing fantasy-horror film, bibigyang-buhay sa isang animated adaptation ang kuwento ng batang mambabarang na si Ella, mula sa mga pahina ng komiks ni Julius Villanueva.
"Si Ella ay isang pangkaraniwang bata lamang and what makes her stand out amongst others is that si Ella ay isang superhero on a daily basis. Hindi siya 'yung superhero na inaakala natin at ini-expect nating lahat na naka-costume, may superpower, malaking tao, malakas, hindi siya ganu'n," sabi ni Bianca.






