Article Inside Page

Showbiz News

Puspusan ang paghahanda ng Sparkle star na si Bianca Umali sa kanyang role sa upcoming animated film na 'Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.'Bibigyang-boses ni Bianca Umali ang title role na si Ella sa upcoming fantasy-horror animated film ng GMA Pictures na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.

Sa “Chika Minute” report ni Athena Imperial para sa 24 Oras, ikinuwento ng aktres ang puspusang paghahanda na ginawa niya para sa kanyang karakter na si Ella tulad ng pagsalang sa workshop kasama ang dubbing facilitator.

“Iba po ang acting on TV kumpara sa acting na boses lang ang gagamitin mo dahil animated film ang iyong binubuo. I really did put myself through one whole workshop with [a] dubbing facilitator para magawa ko 'yung voice acting nang tama dahil sinabi ko nga rito sa production team na ito, sa Team Ella, na hindi po ako sasalang nang hilaw,” pagbabahagi niya.