Article Inside Page

Showbiz News

Alamin ang reaksiyon ni Ashtine Olviga sa mga nagsasabing hindi niya kamukha ang statue sa Startista Gallery rito:Natutuwa raw si Ashtine Olviga na napasama siya sa mga artistang ginawan ng statue sa Startista Gallery na inilunsad kamakailan.

Nitong Huwebes, June 25, nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media si Ashtine tungkol dito sa press conference ng kanyang first solo concert, ang Love Like Ashtine, na gaganapin sa New Frontier Theater sa August 23.

Sabi ng dalagang aktres, “Malaking bagay po yung masala ako sa ganun, lalo na kakakilala pa lang po sa akin sa showbiz.”