Article Inside Page

Showbiz News

Jerry Santos: "Sana lang po, sa mga comments, be nice lang po."Usap-usapan sa social media ang bagong bukas na Startista Gallery sa Star City sa Pasay City matapos umani ng iba't ibang reaksyon ang life-sized na mga estatwa ng mga sikat na artista.

Sa kabila ng mga puna, ibinahagi ng mga artistang nasa likod ng proyekto ang hirap at dedikasyong inilaan nila sa paggawa ng bawat obra.

Tampok sa January 28 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang Startista Gallery, isa sa mga pinakabagong atraksyon ng Star City sa Pasay City na naglalaman ng life-sized na mga estatwa ng mga kilalang personalidad sa showbiz.