Article Inside Page

Showbiz News

Tila may hugot si Sean Lucas sa isa sa mga tanong sa 'The People Have Spoken'!Napuno ng hugot vibes ang studio audience at celebrities sa recent episode ng The People Have Spoken.

Nitong Sabado (June 20), tinanong ang mga kalahok kung alin ang mas masakit marinig mula sa isang karelasyon: "Hindi na kita mahal o may mahal na akong iba?"

Sa naturang round, parehong pinili ng Team ChanSu (Chanty Videla at Sugar Mercado) at Team Kebab (Kevin Montillano at Euleen "Yobab" Castro) ang pangalawang sagot sa choices.