Article Inside Page
Showbiz News
Sean Lucas sa kaniyang naging karanasan sa audition bilang host ng upcoming show na 'The People Have Spoken': “Ipinakita ko lang 'yung sarili ko and then after that I just hoped for the best.”Sa isang eksklusibong panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng Kapuso actor na si Sean Lucas ang kaniyang karanasan sa audition bilang host ng upcoming Kapuso original game show na The People Have Spoken.
Inamin ni Sean na binalot siya ng takot nang sumabak sa naturang audition, lalo pa't pumunta siya rito diretso mula sa kaniyang pagho-host sa morning show na Unang Hirit.
Ibinahagi pa niya na wala siyang inaasahang anuman, ngunit labis na nasabik nang malaman na makakasama niya sa proyekto ang global fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista.






