Article Inside Page
Showbiz News
May pangamba nga bang nararamdaman ang You're My Favorite Song lead actors na sina Marco Masa at Clifford mula sa todo-suportang fans ng CapEath?Sa isang eksklusibong panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, ipinahayag ng mga lead actor ng You're My Favorite Song na sina Clifford at Marco Masa na masaya sila sa mga nabubuong fan ships sa kani-kanilang tambalan. Binigyang-diin din nilang walang puwang ang selos o pangangamba mula sa mga tagahanga ng kani-kaniyang grupo.
Sa naturang episode, tinanong ni Tito Boy ang mga aktor na sina Heath, Clifford, at Marco kung may namumuo bang kompetisyon sa pagitan nilang tatlo sa totoong buhay, bukod sa tapatang magaganap sa kani-kanilang mga karakter sa serye.
“Sa basketball po,” pabirong sagot ni Clifford.






