June 17 2026By AEDRIANNE ACARHandang harapin at patunayan ng multi-awarded GMA News TV and radio anchor na si Arnold Clavio sa korte na pawang ‘kasinungalingan’ ang mga alegasyon na binitawan ng isang dating tauhan ni Ako Bicol party-list representative Zaldy Co.
Sa isang media briefing kahapon, June 16, isang nagpakilalang Mario Jr. ang nagturo kay Arnold na isa diumano sa mga taga-media na nabigyan ng paper bag na may lamang pera.
“Na-hire po ako kay Boss Zaldy [Co] noong January 2025. Diretso po ako na-assign sa isang PR na taga-media na si Bernard Peralta.” Lahad niya sa media briefing.
Sabay tinukoy niya si Igan at sinabing, “Doon ko po nakita ‘yung mga nabibigyan po ng paper bag na mga anchor na mga taga-media. Kagaya po kay Arnold Clavio at doon lang po muna. At affidavit ko na lang po ‘yung iba, sample lang po ‘yun marami pa po ako nakilalang taga-media.”
Ang naturang event ay dinaluhan ni dating Representative Mike Defensor at ang mga diumano'y member ng Philippine Marine Corps na naging aide at "bagmen" ni Co.









