June 11 2026By AEDRIANNE ACARNagdadalamhati ang buong team ng Super Radyo DZBB sa pagpanaw ng seasoned radio anchor at veteran news reporter na si Jimmy Gil ngayong araw, June 11 sa edad na 79.
Isa sa nagbigay pugay sa alaala na iniwan ni Jimmy o Ka Igme ay ang GMA News pillar at award-winning radio anchor na si Arnold Clavio.
Sa Instagram post ni Igan, ikinuwento niya na dalawang taon na ang nakakaraan nang pareho sila ni Jimmy na humarap sa isang health emergency.
Ipinost ni Arnold ang kuha nila ng mag-reunion matapos silang maka-recover.
Aniya, “Ngayong araw, two years ago, I suffered a hemorrhagic stroke. Tapos, ilang weeks, si Jimmy Gil or Ka Igme rin.















