Article Inside Page

Showbiz News

Kilalanin ang makakasama nina Derrick Monasterio at Kimson Tan sa Team Ibarra at Team Tan sa 'Family Feud' ngayong June 16.Sina Derrick Monasterio at Kimson Tan ang maghaharap sa exciting Tuesday fresh episode ng Family Feud!

Ngayong June 16, tapatan ng theater royalty at tight-knit Filipino-Chinese family ang masasaksihan.

Pangungunahan ng Kapuso actor at singer na si Derrick Monasterio ang Team Ibarra. Bukod sa pagiging isa sa mga hinahangaang leading men, gagampanan niya ang iconic na karakter na si Crisostomo Ibarra sa inaabangang musical na Ibarra… Ngayon. Isa itong espesyal na pagbabalik ni Derrick pitong taon matapos ang kaniyang theatrical debut sa PETA musical na Rak of Aegis.