Article Inside Page

Showbiz News

Isang nakakaantig na mensahe ang dating child star na si Rebecca Lusterio para sa kaniyang Kuya Buboy.Mahigit dalawang dekada na ang lumipas mula nang unang mapanood ang award-winning film na Muro-Ami.

Sa makapangyarihang kuwento nito tungkol sa mga batang diver na ginagamit sa isang mapanganib na pamamaraan ng pangingisda, tumatak ang mga aral at emosyon ng pelikula hindi lamang sa mga manonood kundi maging sa mga artistang naging bahagi nito.

Bukod sa mahalagang mensaheng hatid ng pelikula, naging daan din ito upang mabuo ang matibay na samahan sa pagitan ng buong cast.