Article Inside Page

Showbiz News

Kumusta na kaya ang buhay ngayon ng dating child star ng 'Muro-ami' na si Rebecca Lusterio.Nasorpresa at na-overwhelm ang dating child star na si Rebecca Lusterio nang malamang muling ipapalabas sa mga sinehan ang 1999 award-winning film na Muro-ami.

Siyam na taon pa lamang noon si Rebecca nang aksidenteng napasama sa Muro-ami. Binabantayan niya ang kanyang nakababatang kapatid sa Balicasag Island sa Panglao, Bohol nang malaman niyang may auditions para sa pelikula. Tumatak sa marami ang role niya bilang Kalbo, na nagbigay sa kanya ng best child actress awards.

Sa interview ng GMA Pictures, ipinarating ni Rebecca ang nararamdaman na muling mapapanood sa big screen ang Muro-ami matapos ang 26 taon.