Article Inside Page

Showbiz News

Pagbabalik-tanaw ni Inah Evans sa dati nilang pamumuhay: “Parang lagi akong may thinking na, 'Makakaalis pa kaya kami dito?”Tulad ng ibang mga komedyante, aminado si Inah Evans, “Madrama rin naman talaga ang buhay namin.”

Nakausap ng entertainment media, kabilang ang GMANetwork.com, sa press conference ng upcoming solo show niyang The Baklang Kanal Show Live kahapon, May 27.

Ayon sa 37-year-old comedian, dati raw ay lagi niyang iniisip kung may pag-asa pa silang makaalis sa kanilang barong-barong sa Sampaloc, Manila.