Article Inside Page

Showbiz News

Paalala ni Inah Evans sa 'Your Honor': “Laging may marangal na trabaho kang puwedeng kunin na na sa 'yo pa rin ang integrity and dignity mo bilang tao.”Passionate ang naging paliwanag ng Your Honor resource person na si Inah Evans pagdating sa usapin ng politika, at nanindigan siya na hindi matutumbasan ng pera ang integridad ng isang tao.

Sumalang sa session si Inah kasama si Krissy Achino na pinamagatang "In Aid of Unfriending: FO Dahil sa Politika?" at dito, ipinaliwang niya ang paninindigan niya sa kanyang political beliefs.

Kuwento niya pa sa Your Honor na masuwerte siya na napapaligiran siya ng mga tao na kapareho ng kanyang paniniwala.