Article Inside Page
Showbiz News
Heart Evangelista sa kanyang sagot: 'Kaya kong mabuhay. Maganda naman ako...Kaya kitang buhayin.'Patindi nang patindi ang hugot vibes at nakaaaliw na kuwentuhan sa bagong game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken.
Nitong Sabado (June 20), tila nauwi ang usapan sa mga rebelasyong pag-ibig nang tinanong kung ano ang mas mahalagang basehan sa pagpili ng magiging dyowa.
Para sa Team ChanSu (Chanty Videla at Sugar Mercado), ugali ang kanilang napiling sagot.






