Article Inside Page
Showbiz News
Heart Evangelista: "Nawalan ako ng boses pero ang saya."Mas bubbly at fun side ni Heart Evangelista ang mapapanood ng mga manonood sa pinakabagong original game show ng GMA na The People Have Spoken.
Sa ginanap na media conference noong Huwebes, May 28, ibinahagi ni Heart na excited siyang mapakinggan ang iba't ibang boses ng taong-bayan.
"It's a first time for me to host a game show. I must say, nawalan ako ng boses, pero ang saya ko kasi madaldal talaga akong tao. I feel like nagkaroon ako ng outlet to be more expressive, to join a conversation, and I love that," aniya.






