Mayo 22, 2026 5:39pm GMT+08:00

Binaril at napatay ang isang radio broadcaster malapit sa barangay hall ng Fort Pikit sa Malidegao, Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (SGA-BARMM), noong Huwebes ng gabi, Mayo 21, 2026.Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nestor Micator, 56-anyos.Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na sana ang biktima kasama ang kaniyang asawa sakay ng motorsiklo matapos bumili ng pagkain sa Poblacion area sa Pikit, Cotabato, na tinatayang 50 metro ang layo mula sa kanilang bahay.Pagdating sa pinangyarihan ng krimen, binaril si Micator sa ulo ng dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo.Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Micator, at ligtas naman ang kaniyang asawa.Nakarekober ang mga imbestigador isang basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa kalibre .45 na baril.Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan sa mga salarin na tinutugis pa rin.Dalawang anggulo ang tinitingnan ng mga imbestigador kaugnay sa motibo ng krimen. Una ay ang kaniyang trabaho sa media, at ikalawa ang kaniyang tungkulin bilang miyembro ng barangay peace council.“We also have information din, but this is still for validation, na itong personnel ay nagtatrabaho daw or may kaugnayan sa barangay nila. Titingnan natin kung ito bang motive ng pagpatay sa kanya ay politically related or personal grudge at hindi ito kaugnay sa kanyang trabaho as a media personality,” ayon kay Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Spokesperson, Police Capt. Steffi Salanguit.Kinokondena ng PTFOMSSamantala, mariing kinokondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pagpatay kay Micator, na isang news anchor at komentarista ng D’Empire Radio sa Pikit, Cotabato.Pasakay na umano ng motorsiklo ang biktima sa labas ng barangay hall nang barilin ito ng mga nakatakas na salarin.“We urge investigators to pursue all possible angles and ensure that those responsible are identified and brought to justice swiftly,” saad sa inilabas na pahayag ni Jose Torres Jr., Executive Director, PTFOMS.“The killing of any media practitioner is a matter of serious concern. Acts of violence against journalists undermine not only press freedom, but also the public’s right to information and the democratic space where issues affecting communities are discussed openly,” dagdag nito.Masusi umanong makikipag-ugnayan ang PTFOMS sa mga awtoridad para malutas ang krimen. – FRJ GMA News