Article Inside Page

Showbiz News

Alamin dito ang kuwentong pagkakaibigan nina Iya Villania, Suzi Entrata, at Camille Prats na nagsimula sa 'Mars':Bukod sa pagiging co-hosts sa dating talk show na Mars, naging matalik na magkakaibigan din sina Iya Villania, Suzi Entrata, at Camille Prats.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong May 20, ibinahagi ng tatlong Mars kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila.

Ani Suzi, sila naman talaga ni Iya ang naunang naging magkaibigan dahil malapit na magkaibigan din ang mga asawa nilang sina Paolo Abrera at Drew Arellano. Bukod pa rito, matagal ring nakatrabaho ng Unang Hirit host si Drew sa naturang morning show.