Article Inside Page
Showbiz News
Muling magtatambal sina Kelvin Miranda at Angel Guardian sa isang panibagong proyekto.Matapos ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, muling magkakasama ang Kapuso stars na sina Kelvin Miranda at Angel Guardian sa isang proyekto sa labas ng telebisyon.
Ayon sa ulat ng entertainment website na CinemaBravo, magtatambal ang dalawa sa pelikulang Sa Tamang Oras at Panahon.
Nagbahagi rin si Kelvin ng ilang larawan sa kanyang social media account kasama si Angel, ang direktor na si Neil “Buboy” Tan, at ang producer na si Jojo Matias.






