Article Inside Page

Showbiz News

Inialay ni Kelvin Miranda ang natanggap na pagkilala mula sa FAMAS Broadcast Awards sa mga nakasama sa 'Sang'gre' at sa kanyang pumanaw na ama.Kinilala ang husay at dedikasyon ni Kelvin Miranda para sa kanyang role bilang Adamus sa superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Nagwagi si Kelvin bilang Best Performer (Series/Anthology) sa FAMAS Broadcast Awards 2026, na ginanap noong Lunes, July 20, sa The Manila Hotel. Nominado rin sa nasabing award sina Bea Alonzo, Coco Martin, Jodi Sta. Maria, Esnyr, at Sharon Cuneta.

Sa kanyang speech, masayang pinasalamatan ni Kelvin ang mga taong naniwala sa kanya.