Article Inside Page

Showbiz News

Nagkatunggali ang ilang celebrities sa NBA Showcase game! Sino kaya ang nanalo?Isang star-studded na NBA match ang nasaksihan ng basketball fans nang magharap sina Tony Parker at Jason Kidd. Nakasama kasi nila ang P-Pop group na SB19, at ang former housemates Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Naganap ang celebrity showcase sa NBA House nitong Sabado, August 29 sa SPACE sa One Ayala. Nahati ang mga celebrities sa dalawang team, ang team ni Tony at ni Jason.

Sa team ni Tony, nakasama niya ang SB19 members na sina Josh, Ken at Justin; ang PBB Collab housemates na sina River Joseph at Ralph de Leon; PBB Collab 2.0 housemate na si Fred Moser, Kapuso stars na sina Juancho Trivino at Kimson Tan; RK Bagatsing; ang mga athlete na sina Trina Guytingco at Mikee Reyes; at content creators na sina Russco Jarvina at Sachi Jimenez.