Article Inside Page

Showbiz News

Muling sasabak ang Kapuso heartthrobs sa basketball court sa pagbabalik nila sa basketball game sa Cebu!Susubukang agawin ng Kapuso actors ang panalo mula sa Third Floor Team sa gaganaping basketball game na pinamagatang “The Rematch” hatid ng Philippines' biggest basketball event na Bida sa Arena.

Ang naturang exhibition basketball game ay gaganapin ngayong Setyembre 26 sa SM Seaside Cebu Arena.

Muling magkakasama sa isang eksklusibong tapatan ang mga kilalang personalities mula sa Team Sparkle GMA Artist Center at ang matinding Third Floor team.