Article Inside Page
Showbiz News
Kinilala ang trio nina Chanty Videla, Alamat Jao, at JM Yrreverre bilang Top Dance Star Trio!Maangas ang naging episode ng Stars on the Floor 2026 noong May 24 matapos ang matinding bakbakan at sagupaan ng performances ng dalawang magkatunggaling dance trio.
Sa naturang episode, nagbalik ang ilan sa mga paboritong dance stars ng Stars on the Floor 2025 para makasama ng mga bagong dance star duos sa kanilang mga pasabog na performances sa gabing iyon.
Nagsama-sama sa isang nagniningning na trio sina Chanty Videla, Alamat Jao, at ang dance star noong unang season na si JM Yrreverre. Pinangalanan ang kanilang grupo bilang “The ANGELS,” na naghatid ng isang sultry at napakainit na femme dance performance.






