Article Inside Page

Showbiz News

Narito ang mga aabangan sa tapatan ng Gilas Pilipinas 3x3 at The Speed Climbers.Mapapanood ang exciting na Friday showdown ng mga sports champion sa Family Feud ngayong Biyernes.

Ngayong July 3, maghaharap ang Gilas Pilipinas 3x3 at The Speed Climbers.

Binubuo ang Gilas Pilipinas 3x3 ng national team of female basketball players. Pangungunahan ito ni Mikka Cacho, isang five-time UAAP champion na kabilang sa mga kumatawan sa bansa sa 2026 Asian Beach Games sa Sanya, China. Nasungkit nila ang silver medal sa women's 3x3 event.