Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang tapatan ng Santiago Family at Karate Kids ngayong July 23 sa 'Family Feud.'Isang matinding sports showdown ang mapapanood ngayong Huwebes sa Family Feud.

Ngayong July 23, tampok ang Pinoy athletes na sina Jaja Santiago at Jamie Christine Berberabe Lim sa tapatang Santiago Family at Karate Kids!

Pangungunahan ng volleyball star na si Jaja Santiago ang Santiago Family. Kilala si Jaja bilang kauna-unahang Filipina na nagkampeon at nag-uwi ng gold medal sa top division ng Japanese volleyball league.