Article Inside Page

Showbiz News

Naglaro at nagbigay-saya ang former PBB collab housemates sa Laro Laro Pick!Napuno ng saya ang set ng It's Showtime sa pagbisita rito ng ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sumalang sa Laro, Laro, Pick at napanood bilang guests sa show sina Mika Salamanca, Will Ashley, Dustin Yu, Brent Manalo, Ralph De Leon, Esnyr, River Joseph, Bianca De Vera, Vince Maristela, Kira Balinger, Klarisse De Guzman, at Emilio Daez.

Isa sa highlights ng pagiging contestants nila ay ang mga naging makulit na sagot ng ex-housemates sa tanong ng It's Showtime host na si Vice Ganda.