Article Inside Page
Showbiz News
Celeste Cortesi, ano ang mga kinailangang gawin para mapalaki ang kanyang business?Appointment television muli ang Sabado para sa mga fans ni 2022 Miss Universe Philippines Celeste Cortesi dahil ipapakita ng beauty queen ang paglago ng kanyang beauty business sa panibagong episode ng documentary series na 'Celeste Unscripted.'
Makikita si Celeste at ang kanyang team na bumibisita sa isang office space sa Bonifacio Global City sa isang teaser sa official Facebook page ng show. Ang office space ay magiging bagong tahanan ng Azul, ang lip care brand ni Celeste. Maliban sa developments sa kanyang negosyo, pinakita rin sa teaser si Celeste na nakikipagusap sa designer na si Chris Nick, na may offer kay Celeste na mag-close ng kanyang fashion show.
Panoorin ang teaser sa baba.







