Article Inside Page
Showbiz News
Maliban sa kanyang health condition, ipapakita rin sa second episode ni Celeste Cortesi ang kanyang pagbisita sa Hamptons.Kailangan mag-tune in ang mga fans ni 2022 Miss Universe Philippines Celeste Cortesi ngayong Sabado dahil ipapasilip ng beauty queen ang kanyang health condition sa pangalawang episode ng documentary series na Celeste Unscripted.
Sa isang teaser na in-upload sa official Facebook page ng Celeste Unscripted, makikita si Celeste na anxious pagkatapos ang isang blood test at nag-aalala kung normal ba ang lahat sa kanyang katawan. Maliban sa kanyang health revelation, ipapakita rin sa pangalawang episode ang pagbisita niya sa Hamptons, kung saan makikita niya ang kanyang mga kaibigan at makakahawak ng baby sa unang pagkakataon.
Panoorin ang teaser sa ibaba.






