Article Inside Page

Showbiz News

Ang 'Celeste Unscripted' ay gawa ng Emmy winner na si Michael Carandang at sinusundan ang buhay ni Celeste Cortesi at boyfriend na si Jonathan Sterling.Isang treat ang naghihintay sa mga Filipino pageants fans and aficionados ngayong weekend dahil magkakaroon sila ng oportunidad na mapanood ang post-pageant life ng 2022 Miss Universe Philippines Celeste Cortesi sa isang documentary series na nagpapakita ng “true picture” ng kanyang buhay.

Ipapalabas ngayong Sabado sa GTV this Saturday at sa August 15 sa GMA Live TV ang 'Celeste Unscripted,' isang eight-episode documentary series na sinusundan si Celeste Cortesi, ang kanyang boyfriend na si Jonathan “Jonny” Sterling, ang kanyang best friend na si Benj, at ang kanyang right-hand man na si Marky habang si Celeste “redirects her life toward love, business, motherhood, and her journey from beauty queen to beauty mogul behind the brand, ASUL.”

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng media launch para sa show ang Goat Creative Studios, ang company na gumawa ng show, kung saan napanood ng media ang unang episode ng show. Nasa event si Celeste, Jonny, Benj, at Marky. Pinasalamatan ni Celeste ang media na pumunta sa event.