Article Inside Page

Showbiz News

Kabilang sa preparasyon ng Kapuso actor na si Vince Maristela para sa upcoming serye na 'Delivery Boi' ay ang pagsalang sa safety in riding seminar at motorcycle training.Kabilang ang Kapuso hunk actor na si Vince Maristela sa cast ng upcoming Kapuso serye na Delivery Boi, na pagbibidahan ni Will Ashley.

READ: Will Ashley, bibida sa newest drama na 'Delivery Boi'

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Vince, itinuturing niyang isang malaking biyaya ang nasabing proyekto dahil makakasama niya rito ang kapwa ex-PBB housemates at mga batikang aktor.