Article Inside Page

Showbiz News

Jelai Andres sa cheating controversy ng ex-husband na si Jon Gutierrez: "I know the truth and [I'm] the one who experienced it."Muling nagsalita ang content creator na si Jelai Andres matapos muling mag-trending ang cheating controversy na kinasangkutan ng kanyang ex-husband na si Jon Gutierrez, na mas kilala bilang King Badger.

Sa Facebook, nilinaw ni Jelai ang mga kumakalat na haka-haka tungkol sa nangyari sa kanyang dating asawa at sa babaeng sangkot sa kontrobersiya na nauwi sa kanilang paghihiwalay.

"Clear ko lang about sa rumors going around again. Ayaw ko sana 'to. Dahil hindi ako ganito. Hindi ako pala salita o pala-patol kahit sa sarili ko nang issue," sabi niya.