Article Inside Page

Showbiz News

Dasal at suporta ng pamilya ang nagbigay lakas kay Jelai Andres para mapatawad si Jon Gutierrez.Sa kabila ng masakit at mahirap na karanasan ni Jelai Andres, napatawad na umano niya ang dating asawa niyang si Jon Gutierrez, na nakilala rin sa social media bilang King Badger. Sa katunayan, ang kahilingan lang niya para sa dating asawa, maging better ito ngayon kumpara sa kung ano siya noon.

“Sana 'wag mong kalimutan, kasi dati mukhang nakalimutan mo 'yung laging tinuturo ko na lagi kang magdadasal. Pinakilala ko sa 'yo 'yung Diyos, sana mapagpatuloy mo 'yun,” sabi ni Jelai sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Lunes, July 20.

Hiling din ng social media influencer ang peace at success para sa dating partner.