Article Inside Page

Showbiz News

Alamin ang mensahe ni Jelai Andres sa dating asawang si Jon Gutierrez at bagong partner nito:Sa kabila ng annulment ng kasal nina Jelai Andres at Jon Gutierrez a.k.a. King Badger, hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na mayroon nang bagong partner ng Ex Battalion rapper. Kaya naman, nag-iwan ng mensahe ang social media personality para sa bago partner ng dating asawa.

“Para sa babaeng kasama po ng ex ko, sana ingatan mo siya at pangalagaan mo siya, protektahan mo siya para hindi na makapwerwisyo ng iba,” sabi ni Jelai sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, July 20.

Patuloy pa niya, “Sa 'yo na lang. Baka may mangyari pa katulad sa 'kin, so keep mo na lang siya.”