Article Inside Page
Showbiz News
Sa edad na 18, tinulungan ni Bianca Umali na makapag-aral ang kanyang pinsang si Sam at nakapagtapos ito ng kolehiyo. Basahin ang buong kuwento rito.Pinili ni Bianca Umali na hindi muna pumasok ng kolehiyo dahil mas inuna niyang tulungan ang pinsang si Sam na makapagtapos ng pag-aaral.
Sa interview kay Kara David para sa i-Listen, ikinuwento ng aktres na nakapagtapos siya ng senior high school at isang K-12 graduate.
Nang tanungin kung bakit hindi siya nagkolehiyo, sagot ni Bianca, "It was a choice not to send myself to school first. Because 'yung isa po sa mga apo inside the house of my lola, one of the youngest cousins, nu'ng kinaya ko na po na maging stable independently, I chose to take her in.






