Article Inside Page

Showbiz News

Pinadaan ni Rere Madrid kay Bianca Umali ang pagsabi sa kuya niyang si Ruru Madrid ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis.Sa kabila ng pagiging magkapatid nina Ruru Madrid at Rere Madrid, nauna pa umanong ipinaalam ng actress-model ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis sa girlfriend ng kuya niya na si Bianca Umali.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 4, ibinahagi ni Ruru na natakot kasi sa kaniya si Rere kaya't kay Bianca nito unang sinabi.

Paliwanag ng Kapuso Primetime Action Hero, “Dati kasi, Tito Boy, sobrang strikto ko. Remember, the last time na nandito kami, kinuwento rin naman ni Rere 'yun. So parang kinakabahan siya na 'pag sa 'kin niya sinabi, imbis na matuwa ako, magalit ako.”