Article Inside Page

Showbiz News

Ipinaliwanag ni Ruru Madrid kung bakit tila ipinagtanggol niya ang cheaters sa episode ng 'The People Have Spoken.'Naging usap-usapan ang pagbisita ni Ruru Madrid sa game show na The People Have Spoken nang tila ipinagtanggol niya ang mga cheater.

Sa July 25 episode ng original Kapuso game show, isa sa mga katanungan ay kung sang-ayon ba ang mga manlalarong sina Ruru at Mikoy Morales at Analyn Barro at Arra San Agustin sa katagang “Once a cheater, always a cheater.”

Sa naturang episode, sinabi ni Ruru, “Puwede pa talagang magbago kahit sino at papatunayan namin 'yan.”