Article Inside Page
Showbiz News
Nagpaabot ng kanyang taos-pusong pakikiramay si Bianca de Vera sa pamilya ng yumaong Rene Baterbonia.Hindi napigilan ng aktres at dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Season 1 housemate na si Bianca de Vera na maging emosyonal sa kaniyang pinakahuling social media update, kung saan ipinaabot niya ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na Ateneo Blue Eagles rookie na si Rene Baterbonia.
Matatandaang naging malaking balita sa mundo ng sports at entertainment ang trahedya sa Dipaculao, Aurora, kung saan nalunod ang Palarong Pambansa MVP na si Rene kasama ang kaniyang teammate na si Divine Adili habang nasa isang pre-season team-building activity.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Bianca ang larawan ng pamilya Baterbonia habang nakatingin sa mismong baybayin kung saan naganap ang insidente.






