Article Inside Page

Showbiz News

Para kay Marian Rivera, may mas mainam siyang paraan para matuto sina Zia at Sixto tungkol sa kahalagahan ng pera.Naging diretsa at open ang celebrity mom at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera tungkol sa kung paano nila pinag-uusapan ng asawang si Dingdong Dantes ang usaping pera, ari-arian, at family wealth kasama ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.

Sa ginanap na Q&A session sa "May Palawan for All!" event sa Makati Shangri-la, naitanong sa aktres kung anong edad niya planong kausapin ang kanyang mga anak tungkol sa kanilang assets at finances—isang topic na madalas na itinuturing na "off-limits" o taboo sa mga tradisyunal na pamilyang Pilipino.

Aminado si Marian Rivera na hindi pa nila ito tahasang napag-uusapan ni Dingdong, lalo't bata pa sina Zia at Sixto at hindi pa talaga pwedeng humawak ng pera.