Article Inside Page

Showbiz News

Tampok ang mag-amang Dingdong Dantes at Zia sa isang animated project na Sun Chaser.Pagsasamahan ng mag-amang Dingdong at Zia Dantes ang isang kapana-panabik na proyekto dahil opisyal na silang kabilang sa mga magbibigay-boses sa mga karakter ng inaabangang animated series na Sun Chaser.

Ang Sun Chaser ay nagmula sa malikhaing isip ng Oscar-nominated Filipino-American animator na si Bobby Pontillas.

Ito ay isang fantasy adventure series na hango sa mayabong na mitolohiya, kultura, at mahika ng Pilipinas.