Article Inside Page

Showbiz News

Mas pinagtutuunan ngayon ni Michelle Dee ng pansin ang kaniyang mga proyekto kaysa sa kontrobersiyang kinasangkutan nila nina Rhian Ramos at Samanta Panlilio.Sa kabila ng kontrobersiyang hinarap nina Michelle Dee, Rhian Ramos, at Samantha Panlilio noong January, nanatili pa ring magkakaibigan ang tatlo. Sa katunayan, hindi naman nito naapektuhan ang kanilang samahan.

Sabi pa ni Michelle sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 16, “We're still very, very close and we'd like to keep it that way.”

Sa ngayon, maayos naman ang lagay ni Michelle sa kabila ng kontrobersiya at dahil January pa nga iyon nangyari, mas naka-focus siya ngayon sa mga trabaho niya.