Article Inside Page
Showbiz News
May dalawang sorpresa si Michelle Dee para sa nalalapit na LoveLaban Pride Festival.Magaganap na inaabangang LoveLaban Pride Festival ng Quezon City sa June 27. Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng LGBTQIA+ community ngayong Pride Month. At sa pagdalo ng Kapuso actress at beauty queen na si Michelle Dee, sinabi nitong may gusto siyang imbitahan sa nalalapit na pagdiriwang.
Pagbabahagi ni Michelle sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 16, ito na ang pangalawang pagkakataon na magtatanghal siya para sa naturang festival.
“I'll be performing an original single, 'Makatanong.' And I usually perform two songs—'yung second song, surprise ko na lang po 'yun, along with sana 'yung special gusto kong iakyat sa stage, makakaakyat din,” pagbabahagi ni Michelle.






