Article Inside Page
Showbiz News
Ipinahayag ng Sparkle beauty na si Michelle Dee ang kanyang kagustuhang i-represent muli ang Pilipinas sa global stage kung magkakaroon ng oportunidad.Abala nang muli si Michelle Dee sa pagdalo sa local events matapos ang kanyang hosting stint sa coronation night ng Miss Grand International All Stars na ginanap noong May 30 sa Bangkok, Thailand.
Sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel kamakailan sa 24 Oras, inihayag ni MMD kung gaano siya ka-proud sa Pinay beauty queens na nag-represent sa bansa sa nasabing pageant, kabilang na ang co-Sparkle beauty niyang si Gazini Ganados na nakapasok sa top five. Si Vanessa Pulgarin ng Colombia ang kinoronahang first MGI All Stars winner.
Ani Michelle, "I'm so proud of Gazini. I think the whole country is proud of Gazini. Binigay naman talaga n'ya lahat ng makakaya n'ya."






