Article Inside Page

Showbiz News

Hamon ni Maui Taylor sa VMX Babes na nagsabing mas magaling sila sa Viva Hot Babes: “They need to prove that also.”“Sino 'yon? Sinong nagsabi?”

Ito ang pabirong reaksiyon ni Maui Taylor nang mabanggit sa kanilang grupo, ang Viva Hot Babes, na isang miyembro ng bagong girl group ang nagsabing mas magaling ito kaysa sa kanila.

Sa ginanap na media conference ng reunion concert nilang Bulaklak nitong Huwebes, August 19, napag-usapan ang mga bagong girl group sa entertainment industry.