Article Inside Page

Showbiz News

Viva Hot Babes member Maui Taylor, may ni-reveal tungkol sa mga male actor na nakasama niya sa sexy projects.Saludo ang Viva Hot Babes member na si Maui Taylor na sa mga ginawa niyang sexy projects noon ay matino ang mga co-actor na nakasama niya sa eksena.

Ipinatawag ng Your Honor ang 43-year-old actress bilang resource person nila kahapon July 25 at dito tinanong siya ni Chariz Solomon kung nakaranas siya ng discomfort sa mga male actors na nakasama niya sa shooting.

Tanong ni Madam Cha, “Meron bang mga co-actor, okay usap tayo ganito gagawin natin. May blocking tayo, may choreo. 'Tapos hindi niya ginawa, lumagpas siya sa boundaries.”