Article Inside Page
Showbiz News
Katya Santos sa posibilidad na magkaroon ng reunion ang Viva Hot Babes: “Gusto n'yo ba?”Sa isang eksklusibong panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, sinagot ng You're My Favorite Song star na si Katya Santos ang katanungan kung posible nga bang magsama-sama ulit sa iisang entablado ang dati niyang grupo, ang Viva Hot Babes.
Sa episode noong Biyernes, June 26, binanggit ng King of Talk na si Tito Boy kay Katya ang tungkol sa naging matagumpay na reunion concert ng grupong SexBomb Girls kamakailan.
Kasunod nito, agad niyang tinanong ang aktres kung may posibilidad din ba na magkaroon ng reunion ang Viva Hot Babes.






