Article Inside Page

Showbiz News

Narito ang mga maglalaro sa Lechoneryas at Team Get Dressed With Me sa 'Family Feud' ngayong August 20.Maghaharap ang dalawang grupo ng online personalities sa exciting na Thursday episode ng Family Feud.

Tampok ngayong August 20 ang grupong Lechoneryas na may inspiring na kuwento mula sa sipag at tiyaga ni Ma. Elena Aguilar.

Tatlong buwan pa lang ang nakalipas nang magsimula siya ng lechon belly business sa Kawit, Cavite gamit ang puhunan na PhP 20,000. Mula sa simpleng family business, mabilis itong lumago at ngayon ay nakakakuha na sila ng 15 hanggang 20 orders ng lechon belly kada araw.